“Advancing Technology and Advancing Governance.”

Share

Pulong para sa Mas Makabagong Pamahalaan!
Isang mahalagang pagpupulong ang isinagawa sa pagitan ng Pamahalaang Bayan ng Gerona at Tarlac State University para sa proyektong “Advancing Technology and Advancing Governance.”
Kabilang sa mga pangunahing bahagi ng proyekto ang Training and Education, Operation and Processes, Network and Hardware, Information Systems, at Monitoring and Evaluation.
Ayon kay G. Marlon Gamido, lead ng programa mula sa TSU, kanilang paiigtingin ang pakikipag-ugnayan sa ating lokal na pamahalaan upang maisulong ang mas makabago at epektibong serbisyo para sa bawat Geronians.